Mariing kinondena ng Liberal Party, Akbayan Party, at Mamamayang Liberal (ML) Party-list ang babala ng gobyerno ng China na dapat umanong “tumigil o magbayad ng kapalit” ang mga opisyal ng Pilipinas, na tinawag nilang reckless escalation at direktang banta sa sambayanang Pilipino.
Ayon sa mga grupo, walang karapatan ang anumang estado na magbanta sa mga opisyal ng ibang soberanong bansa dahil sa pagsasalita tungkol sa mga beripikadong pangyayari sa loob ng sariling maritime domain.
Giit pa ng mga ito, ang mga pahayag ng mga opisyal ng Pilipinas hinggil sa West Philippine Sea ay batay sa dokumentadong insidente at naaayon sa international law, kabilang ang 2016 Arbitral Award.
Nanawagan ang mga grupo sa Department of Foreign Affairs na magsagawa ng agarang hakbang-diplomatiko upang ipagtanggol ang mga Pilipinong opisyal at mamamayan.
Binigyang-diin din ng nga partido na ang transparency ay hindi probokasyon, at ang kapayapaan sa rehiyon ay nakasalalay sa paggalang sa international law at regional peace preservation. | via Judea Bernardo
