Ibinunyag ni Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste na may koneksyon umano sa mga kontratista si Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon at ang kanyang team.
Sa isang press conference nitong Huwebes, October 16, nanawagan si Leviste kay Dizon na isapubliko ang lahat ng umano’y koneksyon nila sa mga kontratista ng DPWH projects.
Giit ng kongresista, hindi siya nagpaparatang ngunit dapat masuri ang lahat sa gitna ng kontrobersiya sa flood control projects.
Samantala, sa isang press conference, itinanggi ni Dizon ang alegasyon at sinabing wala ni isang undersecretary ng DPWH ang konektado sa mga kontratista.
Tiniyak din ng kalihim na personal niyang iimbestigahan ang isyu at tatanggalin ang sinumang mapatunayang sangkot. | via Andrea Matias
