Level 3 WLA gaming accreditation, nakamit ng PCSO

Nakamit ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang prestihiyosong Level 3 Accreditation ng World Lottery Association (WLA) para sa Responsible Gaming Framework noong Enero 2026—isang kauna-unahan sa industriya ng gaming sa Pilipinas.

Ipinapakita nito na ang PCSO ay hindi na lamang may mga layunin, kundi aktwal nang nagpapatupad ng internasyonal na best practices sa integridad, proteksyon ng manlalaro, at etikal na operasyon. ISO-certified din ang lahat ng PCSO lottery draws, na nagpapatibay sa transparency at kalidad nito.

Nakahanay na ang PCSO sa mga nangungunang lottery operators sa mundo tulad ng sa U.S., France, at Italy.

Dagdag pa rito, noong Disyembre 2025, kinilala ng Governance Commission for GOCCs (GCG) ang PCSO bilang Top 1 GOCC sa bansa na may performance rating na 100.63%, dahil sa transparency, paglago ng kita, at malawak na serbisyong panlipunan. Kinilala rin ang General Manager na si Melquiades Robles bilang finalist sa Leadership Award.

Ayon kay Robles, ang mga pagkilalang ito ay patunay ng matibay na paninindigan ng PCSO sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino gamit ang world-class standards. | via Kimberly Reyel, D8TV News Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *