“Les Misérables” concert sa Manila sa 2026

Ang “Les Misérables: World Tour Spectacular” ay magsisimula ng 2026 world tour nito sa Theatre at Solaire, kung saan ito rin huling itinanghal noong 2016. Ipinapakita nito ang muling pagbabalik ng sikat na musikal batay sa nobela ni Victor Hugo, tungkol sa dating bilanggo na si Jean Valjean at sa masugid na pulis na si Javert na may backdrop ng rebolusyon sa France noong ika-19 siglo.

Ang bagong palabas ay pinalawak na bersyon ng “Les Misérables: The Staged Concert”, at tampok ang bagong disenyo ng set at ilaw, na nilikha ng mahigit 100 crew. Hindi pa inanunsyo ang mga international at Filipino cast, pero inaasahang all-star ensemble ito.

Bilang pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng “Les Mis”, layon ng produksyon na magdala ng makabagong teatro sa Pilipinas, ayon kay GMG Productions CEO Carlos Candal. Inaasahan din ng mga fans ang mga iconic na kanta tulad ng “Do You Hear The People Sing?”, “I Dreamed a Dream”, at “One Day More.”

Tickets available sa TicketWorld simula August 11, with pre-sale sa UnionBank users mula August 4–7. | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *