Unang beses na gagampanan ni Lea Salonga ang papel ng isang villain sa Hollywood! Siya ay magiging special guest bilang si Rose sa isang episode ng The Cleaning Lady Season 4 sa Fox. Ayon kay Lea, madalas siyang gumanap bilang mabait at matulunging karakter, kaya exciting para sa kanya ang maging kontrabida.
Hindi raw niya agad kilala ang serye, pero nang mag-research siya, natuwa siya dahil tampok dito ang kwento ng mga Southeast Asian, lalo na ng mga kababaihan. Para kay Lea, isang malaking bagay ito sa representasyon ng lahi nila.
Samantala, mapapanood din si Lea ngayong Agosto bilang The Witch sa Into the Woods sa Pilipinas, kung saan makakasama niya ang anak niyang si Nic Chien bilang Jack! | via Allan Ortega | Photo via leasalonga.com
D8TVNews #D8TV
