Dumating na sa bansa ang world-renowned Chinese pianist na si Lang Lang para sa isang one-night concert.
Magtatanghal si Lang Lang sa Proscenium Theater sa Rockwell Makati bukas, January 30.
Tinaguriang “the hottest artist on the classical music planet” ng New York Times, nakapag-perform na si Lang Lang sa malalaking event tulad ng 2008 Beijing Olympics opening ceremony, 2020 Dubai Expo opening, at 2024 reopening ng Notre Dame sa Paris.
Noong 2008, itinatag niya ang Lang Lang International Music Foundation upang hubugin ang susunod na henerasyon ng mga world-class pianists at itaguyod ang musical education.
Available ang mga tiket sa concert ni Lang Lang sa Ticketworld, mula 6,180 pesos hanggang 25,750 pesos para sa Orchestra Center Premium seats.
