Isang lalaki ang nang-hostage sa isang saleslady sa loob ng isang gadget store sa isang mall sa Lipa City, Batangas sa loob ng halos tatlong oras noong hapon ng Martes, ayon sa pulisya.
Ayon kay Maj. Luis De Luna Jr., chief investigator ng Lipa City Police Station, pumasok ang lalaki sa tindahan, sapilitang dinala ang saleslady sa isang tabi, at tinutukan ito ng matulis na bagay bandang alas-4 ng hapon noong Pebrero 18.
“Mayroon siyang nakikitang tao na gusto raw siyang patayin, ’yun ang sabi niya… Itong suspek ay may history ng drug addiction,” ayon kay De Luna. – via Benjie Dorango