Ipinagmalaki ni Pangulong Bongbong Marcos na siguradong makukumpleto na ngayong taon ang pamamahagi ng Patient Transport Vehicles (PTVs) sa lahat ng munisipalidad sa bansa.
Sa kanyang speech sa Cagayan de Oro, inanunsyo niya ang 985 na bagong ambulansya mula sa PCSO na ipapamahagi ngayong taon, dagdag sa 567 units na naipamahagi na. Target nilang makaabot ng 1,552 units bago matapos ang 2025!
“Sa unang pagkakataon, 100% coverage na ng ambulansya sa buong bansa!” ani Marcos.
Di lang ito basta pamimigay — binigyang-diin ni Marcos na bawat segundo ay mahalaga sa kalusugan, kaya dapat mabilis ang pagresponde. Pinayuhan niya ang mga LGU na alagaan ang sasakyan para mas marami pa ang matulungan.
Kasama sa mga unang nakatanggap ng 91 units ay ang mga LGU mula Northern Mindanao at BARMM.
Patunay raw ito ng layunin ng PCSO na gawing accessible ang healthcare para sa lahat ng Pilipino saan mang sulok ng bansa.
“Lahat ng LGU, magkakaroon ng sariling sasakyang medikal,” pangako ni PBBM. | via Allan Ortega Photo via RTVM
#D8TVNews #D8TV