Mariing itinanggi ni Laguna 4th District Representative Benjamin Agarao Jr. na mayroon siyang koneksyon sa mag-asawang Discaya at umano’y maanomalyang flood control projects.
Nitong Martes, Disyembre 2, pormal na humarap si Agarao sa pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) para bigyang-linaw ang mga akusasyon laban sa kanya.
Kung matatandaan sa pagdinig ng Senado noong Setyembre, kasama sa binanggit ng mag-asawang Discaya ang pangalan ng kongresista na umano’y nakinabang sa kickback mula sa mga proyekto ng pamahalaan.
Ayon kay Agarao, hindi niya personal na kilala ang mag-asawa at hindi siya ang nakaupong kongresista sa panahong idinadawit siya ng mga ito.
Tiniyak naman nito na hindi niya palalagpasin ang umano’y paglapastangan ng mag-asawa sa kanyang reputasyon.
Naapektuhan umano siya at kanyang pamilya sa mga pambabatikos na natatanggap nila sa social media.
Hindi umano niya alam ang motibo ng mag-asawa dahil wala siyang kakayahan na gawin ang mga paratang laban sa kanya.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na isinapubliko ng ICI ang kanilang pagdinig kaugnay sa maanomalyang flood control projects. | via Alegria Galimba
