Laguna bettor tumama sa P86.3-M Lotto 6/42 jackpot

Isang masuwerteng mananaya mula Santa Rosa, Laguna ang humakot ng ₱86.3M jackpot sa Lotto 6/42 nitong Sabado. Ang winning combo: 08-39-07-38-02-09. May isang taon siyang palugit para i-claim ang premyo sa PCSO main office sa Mandaluyong, dala ang ticket at dalawang valid ID.

Pero hindi lang siya ang winner 50 bettors ang may tig-₱24K, 1,965 ang may tig-₱800, at 34,972 ang may tig-₱20. Tandaan: may 20% tax sa panalong lampas ₱10K. Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. | via Allan Ortega, D8TV News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *