Nilinaw ni Sen. Ping Lacson na pumasok siya sa lehitimong real estate at trading business nang matapos ang kanyang termino sa pagka-senador noong 2022.
Ito ay matapos na lumabas ang biglang paglago ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net
Worth (SALN) ng P186 million.
Batay sa SALN ni Lacson, nasa P58,771,409.62 ang kanyang kabuuang yaman bago siya umalis ng Senado habang P244,940,509.60 naman ngayong bumalik siya sa sa pagka-senador.
Dagdag pa ng senador na makikita sa kanyang Income Tax Return (ITR), ang kanyang pagbabayad ng P4,817,265 para sa taxable year 2021, at P11,834,033.37 para sa taxable year 2024.
Tiniyak naman ng senador na ilalabas niya ang kanyang 2025 SALN kasama ng kanyang ITR para sa taong 2023 at 2024 batay sa makukuhang dokumento. | via Alegria Galimba
