Ipinanukala ni Senador Ping Lacson ang “Parents Welfare Act of 2025” na layuning protektahan ang mga matatandang magulang laban sa kapabayaan ng kanilang mga anak. Layon nitong pagtibayin ang kulturang Pilipino ng filial responsibility o pananagutang moral ng anak sa magulang.
Nilalaman ng Panukala na maaaring magsampa ng petisyon sa korte ang magulang na hindi sinusuportahan ng anak, ire-representa sila ng Public Attorney’s Office nang libre. Bago ang paglilitis, daraan muna sa mediation para mapanatili ang pagkakaisa ng pamilya. Ang support order ay agad na ipatutupad at hindi maaaring ipahinto ng kahit anong TRO. Ang patuloy na pagsuway sa utos ay may multang salapi, kung tatlong buwang sunod-sunod na hindi sumuporta ang anak, maaari silang makulong nang 1–6 buwan o multahan ng ₱100,000. Kung sinadyang i-abandona ang magulang, maaaring makulong ng 6–10 taon at magmulta ng ₱300,000.
Magpapatayo rin ng mga old age homes sa bawat lalawigan o lungsod para sa mahihina, may sakit, o walang matirhang matatanda.
Ayon kay Lacson “Ang pag-aalaga sa matatanda ay hindi lang trabaho ng gobyerno. Responsibilidad din ito ng kanilang mga anak.”
Unang itinulak ito ni Lacson noong 2016, habang si dating Rep. Roy Loyola ay may kahalintulad na panukala noong 2014. | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV