Inihambing sa rebelyon ang umano’y mga banta laban sa pamumuno ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.
Sa isang pahayag sa social media kanina, tinukoy ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson Lacson ang umano’y “emerging threats” laban sa kasalukuyang liderato ng Senado.
Aniya, ang banta sa pagka-Senate President ay gaya ng rebelyon, hindi natatapos at paulit-ulit.
Dagdag pa niya, ang naturang threat ay batay lamang sa mga tsismis kung saan pinagsisimulan umano ng lahat ng senate coupe.
Matatandaang mula pa nang maupo si Sotto bilang Senate President noong Setyembre bilang kapalit ni dating Senate chief Francis “Chiz” Escudero ay lumabas ang mga usapin patungkol sa pagpapatalsik sa liderato ng Senado.
Noong Nobyembre, kinumpirma mismo ni Sotto na may mga naririnig siyang posibleng movements sa upper chamber bagama’t nasa kamay pa rin umano ng kaniyang mga kapwa-senador ang kanyang kapalaran bilang Senate President. | via Ghazi Sarip
