Lacson: May “emerging threats” sa liderato ng Senado

Inihambing ni Senate Pro Tempore Ping Lacson sa rebelyon ang umano’y mga banta laban sa pamumuno ni Senate President Tito Sotto.

Sa isang pahayag sa social media kanina, tinukoy ni Lacson ang umano’y “emerging threats” laban sa kasalukuyang liderato ng Senado.

Aniya, ang banta sa pagkakaupo ng Senate President ay gaya ng rebelyon, hindi natatapos at paulit-ulit.

Dagdag pa niya, ang naturang threat ay batay lamang sa mga tsismis kung saan pinagsisimulan umano ng lahat ng senate coup.

Ito rin ang saloobin ni Sen. Alan Peter Cayetano.

Ayon naman kay Sen. Erwin Tulfo, wala siyang naririnig na ugong tungkol sa pagpapalit ng liderato.

Matatandaang mula nang maupo si Sotto bilang Senate President noong Setyembre bilang kapalit ni Chiz Escudero, lumabas ang mga usapin tungkol sa pagpapatalsik sa kanya.

Noong Nobyembre, kinumpirma mismo ni Sotto na may mga naririnig siyang posibleng movements sa upper chamber bagama’t nasa kamay pa rin umano ng kaniyang mga kapwa senador ang kanyang kapalaran bilang Senate President. | via Ghazi Sarip, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *