Lacson: Manipis na mayorya sa Senado, posibleng magdulot ng panibagong kudeta

Maugong na naman ang usapan ng coup sa Senado matapos maupo muli si Vicente “Tito” Sotto III bilang Senate President, kapalit ni Francis “Chiz” Escudero. Ngayon, 15 senador ang nasa majority bloc habang siyam naman, pinamumunuan ni Alan Peter Cayetano, ang bumuo ng bagong minority group.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson, hindi dapat maliitin ang siyam dahil manipis lang ang lamang ng majority. Paalala niya kay Sotto hindi lang siya lider ng mayorya kundi ng buong Senado.
Kasama sa majority sina Zubiri, Legarda, Hontiveros, Gatchalian, Ejercito, Pia Cayetano, Pangilinan, Aquino, Lapid, mga Villar at mga Tulfo. Sa minority naman sina Cayetano, Escudero, Estrada, Villanueva, Marcos, Dela Rosa, Marcoleta at Padilla.

Biro pa ni Lacson, malas daw si Joel Villanueva bilang Majority Leader dahil dalawang beses nang na-oust ang Senate President habang siya ang nasa posisyong iyon kaya’t tawanan ang biro na huwag na siyang ibalik. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via MSN

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *