Mariing itinanggi ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ang kumakalat na balitang magkakaroon na naman ng rigodon o pagpapalit liderato sa Senado.


Ayon sa senador, peke at intended to deceive and confuse ang balitang ito. Ina-underestimate umano nito ang katalinuhan ng bagong Senate majority bloc sa pagba-baka sakaling may tumalon at pumirma.
Aniya, kung may kantang “Achy Breaky Hearts”, ang balita naman daw ay “Faky Breaky News”
Ang parehong report ay pinalagan din ni Senate President Tito Sotto III sa kanyang X account. Ayon sa kanya, ‘very devious’ ang report na ito. Wala pa man daw hearing ang blue ribbon ni Lacson ay gusto na umanong palitan.



Saad pa ni Sotto, ano raw ba ang kinakatakot nila?
Matatandaang September 8 nang italagang nagbabalik na Senate President si Senator Tito Sotto III, habang si Senator Ping Lacson naman ay nahalal bilang Senate President Pro Tempore. | via Martina Torres, D8TV News
#D8TVNews #D8TV
