Lacson: CEO ng casino hotel, nag-alok ng ballroom para sa Torre-Duterte match

Sumakay si Senador Panfilo Lacson sa “charity boxing match” proposal sa pagitan ni PNP chief Gen. Nicolas Torre III at Davao City Mayor Baste Duterte. Ayon kay Lacson, may kilalang CEO ng isang casino hotel na handang ipagamit ang ballroom nila para sa laban para sa mga nasalanta ng baha at bagyo.

Nag-ugat ang suntukan nang hamunin ni Baste si Torre matapos arestuhin ng PNP ang ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso. Tinanggap ni Torre ang hamon at iminungkahing gawing charity match ito para makalikom ng pondo sa mga nasalanta ng habagat.

Tingin ni Lacson, hindi ito angkop para sa isang PNP chief pero personal na desisyon daw ito ni Torre bilang taong na-insulto. Nagpahayag si Lacson ng intensyon na bumili ng ticket na katumbas ng kanyang one-month pension, kung siguradong para sa mga biktima ang kita ng event. | via Allan Ortega | Photo via MSN

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *