Labi ng Pinay caregiver sa Mideast, ‘di pa maiuuwi

Hindi pa agad maiuuwi sa Pilipinas ang labi ng 32-anyos na Filipina caregiver na si Mary Ann De Vera na nasawi sa isang Iranian airstrike sa Tel Aviv, Israel.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac, kailangan pang hintayin ang tamang panahon para maisagawa ang repatriation dahil nananatiling sarado ang airspace sa ilang bahagi ng Middle East bunsod ng nagpapatuloy na sigalot sa rehiyon.

Sinabi ni Cacdac na nauunawaan ng pamilya ni De Vera, kabilang ang kanyang asawa na isa ring OFW sa Israel, ang kasalukuyang sitwasyon. Tiniyak din niya na buong suporta ang ibinibigay ng Israel government sa proseso ng pagpapauwi.

Ayon sa ulat, nasawi si De Vera noong Pebrero 28 habang tinutulungan ang kanyang matandang ward o alaga na makapasok sa bomb shelter sa gitna ng missile attack. Ngunit hindi umano sila nakaabot sa kanlungan sa oras.

Batay sa salaysay ng mga rescuer, may pulso pa si De Vera nang matagpuan sa ilalim ng mga gumuhong debris, ngunit nahirapan silang maalis ang malaking tipak ng konkretong nakadagan sa kanya. Idineklara siyang dead on arrival sa ospital.

Inilarawan ng Israeli government ang pagkamatay ng Pinay bilang kabayanihan, dahil nasawi umano siya habang ginagampanan ang kanyang tungkulin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *