Hindi pinalagpas ng TV host na si Kim Atienza o Kuya Kim nang gawing halimbawa ni Sen. Robin Padilla ang pagpanaw ng kaniyang bunsong anak na si Emman sa masamang epekto ng social media.
Ito’y matapos ang pahayag ni Padilla sa pagdinig ng Children’s Safety in Social Media Act na “mahina” umano ang kabataan ngayon, hindi tulad noong kanyang kapanahunan na wala pang social media at hindi pa uso ang salitang depresyon.
Ayon kay Kuya Kim sa isang Instagram post, maaaring magkakaiba ang pananaw ng bawat henerasyon, pero malinaw na lubos na kailangan ng suporta ang mga dumaranas ng depresyon.
Aniya, malayo ang nararating ng kaunting kabutihan at pag-unawa.
totoo aniya ang pangangailangan ng tulong kaya ibinahagi niya ang listahan ng 24/7 crisis hotlines para sa mga dumaranas ng mental health issues.
Matatandaang biktima ang bunsong anak ni Kuya Kim nang mental health issues na dahilan ng pagpanaw nito noong nakaraang taon lamang.
Pero para kay Padilla, seryoso ang epekto ng social media sa kabataan at gaya ng ginagawa ng ibang progresibong mga bansa, dalat na itong tutukan ng pamahalaan. | via Ghazi Sarip
