13 patay dahil sa pagkalason sa alak sa Kuwait

Nakakatindig-balahibo ang balita mula Kuwait! Trese (13) katao patay matapos malason sa local na ginawang alak na hinaluan ng nakamamatay na methanol.

Ayon sa Ministry of Health ng Kuwait, mula Sabado hanggang ngayon ay umabot na sa 63 kaso ng alcohol poisoning. Iba-iba ang tindi ng sintomas 31 ang ikinabit sa ventilator, 51 ang kinailangang sumailalim sa urgent kidney dialysis at 21 ang nabulag o malabo na ang paningin habang-buhay.

Lahat ng biktima ay mula sa Asian nationalities. Target ngayon ng mga awtoridad ang pinagmulan ng alak na-trace na galing sa ilang Asian sellers sa Jleeb Al-Shuyoukh, Farwaniya. Sampung suspek ang arestado sa mga raid.

Paalala ng gobyerno sa Kuwait bawal ang alak kaya kapag nahuli kang nag-iimport o gumagawa nito, kulong ang katapat! | via Allan Ortega | Photo via Xinhua

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *