Ibinahagi ni Kris Aquino sa Instagram ang kanyang paghihirap sa lupus flare fever na tumagal ng mahigit dalawang linggo.
Sa video, kitang-kita ang kanyang pangangayayat, mga pasa sa braso at binti, at mga pulang pantal sa mukha. Umabot pa sa 38.5°C ang kanyang lagnat.
Aniya, “This is MY NOW… gusto kong makita n’yo ang sakit at paghihirap para ipagdasal n’yo ako.”
Ang lupus ay isang sakit kung saan inaatake ng immune system ang sariling katawan, nagdudulot ng pamamaga at pinsala sa mga organs. May iba pang autoimmune diseases si Aquino, kabilang ang autoimmune thyroiditis at systemic sclerosis.
Sa kabila ng lahat, ipinangako ni Kris na ipagpapatuloy ang laban. Samantala, kinumpirma rin niyang naghiwalay na sila ng kanyang doktor na kasintahan. | via Allan Ortega | Photo via krisaquino Instagram
#D8TVNews #D8TV