Korte Suprema: Mga hukom sa Pasig, nakakatanggap ng banta sa buhay

Kinumpirma ng Korte Suprema na nakatanggap ng death threat ang ilang sangay ng Regional Trial Court sa Pasig sa pamamagitan ng e-mail.

Dalawang hindi pinangalanang huwes ang tinarget umano, ayon sa tagapagsalita ng SC na si Atty. Camille Sue Mae Ting.

Agad na nakipag-ugnayan ang mga korte sa Pasig police na nagpadala ng SWAT team para sa seguridad ng mga huwes, court staff, at publiko.


Isinagawa rin ang imbestigasyon ng Office of the Judiciary Marshals kasama ang Anti-Cybercrime Group ng pulisya at NBI Anti-Cybercrime Division.

Ayaw pang maglabas ng detalye habang isinasagawa ang imbestigasyon para sa kaligtasan ng mga sangkot.


Sa e-mail screenshots, banta ng mga sender na babarilin ang dalawang huwes habang nasa gitna ng pagdinig at naka-posisyon na raw ang mga salarin.


Kabilang sa mga kilalang personalidad na may kaso sa Pasig RTC sina dating Bamban Mayor Alice Guo (na may 62 kaso ng money laundering at human trafficking) at si Apollo Quiboloy (nahaharap sa qualified human trafficking). | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *