Itatalaga ng Korte Suprema ang mga special courts na tututok lamang sa mga kasong may kinalaman sa katiwalian sa infrastructure projects.
Ayon sa Supreme Court, madalas na natatabunan at natatagalan ang pagdinig ng mga ganitong kaso sa dami ng docket sa mga Regional Trial Court.
Kaya naman inatasan nito ang Office of the Court Administrator na mahigpit na bantayan ang lahat ng kasong isasampa kaugnay ng anomalya sa mga infrastructure projects.
Bahagi ito ng Strategic Plan for Judicial Innovations o SPJI ng Korte Suprema isang repormang nakatuon sa transparency, efficiency, at accountability ng hudikatura.
Kabilang sa programa ang mga digitalization project tulad ng eCourt PH, na magpapabilis sa proseso ng kaso at magpapalawak sa access sa hustisya ng bawat Pilipino.
Saklaw ng repormang ito ang lahat ng antas ng korte mula trial courts, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, hanggang sa mismong Supreme Court.
