Isang korte sa Taiwan ang naghatol ng pagkakakulong sa isang Chinese yo-yo (diabolo) coach at siyam na iba pa dahil sa paniniktik pabor sa Beijing. Ayon sa desisyon ng Taipei District Court, si Lu Chi-hsien—ang pangunahing akusado—ay na-recruit ng isang Chinese intelligence agent habang nasa China. Binayaran siya upang magtayo ng grupo, mangalap ng impormasyon, at kumuha ng mga dokumentong militar para sa China.
Kabilang sa mga na-recruit ni Lu ang lima mula sa militar at coast guard, pati na rin ang kanyang tatlong kaibigan na tumulong sa pagbibigay ng bank accounts at pagtatago ng mga dokumento. Ang tanging Chinese national sa kaso, si Tian Xi, ang nagbayad ng halos NT$194 milyon o $6.6 milyon.
Hinatulan si Lu ng 10 taon at 6 na buwang pagkakakulong, si Tian Xi ay 8 taon at ang iba pa ay 3 hanggang 6 taon.
Maaari pa silang mag-apela. Ayon sa mga ulat, dumarami ang kaso ng paniniktik na may kaugnayan sa China, lalo na sa mga retirado o aktibong tauhan ng militar ng Taiwan. | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV