Inatasan ng Court of Appeals Special 12th Division ang Department of Agriculture (DA) at Land Bank of the Philippines na bayaran ng ₱28.49 bilyon ang mga may-ari ng Hacienda Luisita, Inc. (HLI) — ang kilalang lupain na pagmamay-ari ng pamilya Cojuangco.
Sa 35-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Raymond Reynold Lauigan, pinaboran ng CA ang petition for review ng HLI. Giit ng korte: labag sa Konstitusyon ang pagkuha ng pribadong lupa para sa pampublikong gamit nang walang sapat na bayad.
Lumabas sa ebidensya na ang orihinal na halaga ng lupa ay nasa ₱1.03 bilyon. Ngunit sa loob ng halos tatlong dekada — mula 1989 hanggang 2013 — ay kulang pa ang mga naibayad sa HLI, ayon sa korte.
Ayon sa CA, aabot na sa ₱28.49 bilyon ang dapat bayaran ng gobyerno sa mga may-ari ng HLI bilang kabuuang just compensation (as of April 30, 2025), hindi pa kasama rito ang interes na kailangang idagdag. | via Benjie Dorango
#D8TVNews #D8TV