Koreanong pumatay sa aspin na si Erika, GUILTY!

Nahatulang guilty si Jung Seongho, isang Koreano, sa brutal na pagpatay sa asong si Erika, ayon sa Metropolitan Trial Court ng Manila. Si Erika, isang asong kalye na minahal ng isang restoran sa Malate, ay apat na beses na sinaksak ni Jung gamit ang kutsilyo noong Marso 9, 2024.
Ayon sa desisyon ng korte noong Nobyembre 12, 2024, napatunayang walang dahilan ang pananakit dahil tahimik lang si Erika bago siya sinugod at pinatay ni Jung.
Agad siyang inaresto ng mga saksi sa pamamagitan ng “citizen’s arrest” at kinasuhan ng Animal Cruelty, Alarm and Scandal, Assault, at Malicious Mischief. – via Allan Ortega | Photo via spot.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *