Mas pinagtibay pa ng Pilipinas, Japan at Amerika ang interoperability, maritime security at pagbabantay sa rehiyon matapos ang ginanap na ika 15 Multilateral Maritime Cooperative Activity sa West Philippine Sea
Layon ng naturang aktibidad na mapalalim pa ang ugnayan sa pagitan ng 3 bansa sa ginanap na communication drills, maritime domain awareness, joint patrols, anti-submarine warfare at live-fire gunnery exercise.
Ginanap ang ika 15 MMCA mula February 20 hanggang 26 ngayong taon.
Kung saan, nagpadala ng mga assets ang Pilipinas gaya ng BRP Antonio Luna, FA-50 fighter jets, C-208B, A-29 Super Tuscano at Sokol Search and Rescue Helicopter ng Philippine Air Force, habang ang BRP Gabriela Silang naman ang ipinadala ng Philippine Coast Guard.
Nag-ambag naman ang Japan ng P-3 Orion Maritime Patrol Aircraft at USS Dewey at P-8A Poseidon naman ang ipinadala ng Estados Unidos. I via Allen Ibañez, D8TV News
