Konstruksyon ng Metro Manila Subway Project, mas pinabilis —PBBM

Mas mabilis na ngayon kaysa sa orihinal na timetable ang konstruksyon ng Metro Manila Subway Project, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang sinabi ng Pangulo matapos inspeksyunin ang ginagawang Shaw Boulevard Station sa Pasig City at pangunahan ang groundbreaking ng Kalayaan Avenue Station at BGC Station sa Taguig City nitong Biyernes ng umaga.

Ayon kay Marcos, hindi lamang umano nasa tamang iskedyul ang proyekto kundi mas napaaga pa ang takbo ng konstruksyon kumpara sa unang itinakdang timeline.

Nauna nang sinabi ng Department of Transportation na target nilang magsagawa ng demo run ng Metro Manila Subway Project sa unang quarter ng 2028.

Ang Metro Manila Subway Project ang kauna-unahang subway system ng bansa na may habang 33 kilometro at binubuo ng 17 estasyon, mula Valenzuela City hanggang Taguig City. | via Judea Bernardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *