Pinasisilip ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang umano’y koneksyon ng mga Discaya sa construction firm na CLTG Builders na pagmamay-ari ng pamilya ni Senator Bong Go.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, sa ngayon ay tinitingnan na nila ang mga dokumento mula pa noong nakaraang administrasyon taong 2016 hanggang 2025.
Sa pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kahapon, inihayag ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya na hindi na sila makikipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon ng komisyon kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
Bagay na hindi ikinatuwa ng Ombudsman.
Samantala, ngayong araw naman ay nagtungo ang ilang ahensya ng pamahalaan tulad ng Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue, DPWH, Department of Justice at iba pa para sa asset recovery meeting.
Layon ng pagpupulong na hindi lamang mapanagot ang mga dapat managot kundi para mabawi ang umano’y ninakaw na pondo ng bayan. | via Alegria Galimba
