Klase sa ilang rehiyon, suspendido pa rin dahil sa Bagyong Uwan

Suspendido pa rin ang pasok ngayong Martes, Nobyembre 11, 2025 sa lahat ng antas sa mga rehiyong matinding naapektuhan ng Bagyong Uwan, base sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Walang pasok sa:
• Region I (Ilocos)
• Region II (Cagayan Valley)
• Region III (Central Luzon)
• CALABARZON
• MIMAROPA
• Region V (Bicol)
• Region VI (Western Visayas)
• Region VII (Central Visayas)
• Region VIII (Eastern Visayas)
• Negros Island Region

Maaari ding magpatupad ng karagdagang suspensyon ang iba pang lokal na pamahalaan depende sa kalagayan sa kanilang lugar.

Samantala, bukas at normal na ang operasyon ng lahat ng tanggapan ng gobyerno ngayong araw.

Panawagan ng mga awtoridad, patuloy na mag-ingat at sundin ang mga anunsyo ng inyong LGU habang nagpapatuloy ang pag-ahon mula sa pananalasa ng Bagyong Uwan. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *