Sa isang matapang na hakbang, inamin ng OPM singer-songwriter na si Klarisse de Guzman na siya ay bisexual sa episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition”. Sa isang task hinikayat ang mga housemates na ibahagi ang kanilang personal na kwento para linawin ang mga maling akala tungkol sa kanila.
Ibinunyag ni Klarisse na apat na taon na silang magkarelasyon ng kanyang partner na si Trina. Sinabi niya, “I’m so happy and I’m so proud of myself that I’m finally out.” Bagamat alam na ng kanyang pamilya ang tungkol sa kanyang sekswalidad, ito ang unang pagkakataon na ibinahagi niya sa publiko. Aminado siyang natakot siya noon sa posibleng paghusga at epekto nito sa kanyang karera, pero ngayon ay mas malaya na ang kanyang pakiramdam.
Mainit na tinanggap at sinuportahan ng kanyang mga kapwa housemates at ng publiko ang kanyang pag-amin na nagpapakita ng lumalawak na pagtanggap sa LGBTQ+ community sa bansa. | via Dann Miranda | Photo via Klarrise De Guzman IG Page
#D8TVNews #D8TV