Nakatanggap si Senate President Pro Tempore Ping Lacson ng impormasyon hinggil sa kickbacks mula sa P100 billion budget insertions napunta sa ilang opisyal sa Malacañang
Ayon kay Lacson, sa testimonya ni Usec. Roberto Bernardo na nagsasabing ang mga kickback ay hindi ibinigay sa Pangulo kundi kay DepEd Undersecretary Trygve Olaivar.
Ibinunyag yan sa pagdinig ng Senado kanina, binanggit niya rin si Presidential Legislative Liaison Office Undersecretary Adrian Bersamin, na pare-parehong nagbitiw na sa kanilang puwesto.
Ayon pa sa senador, ginamit umano ng dalawang opisyal ang pangalan ng pangulo, dahilan upang maniwala si dating Ako Bicol Party-List Rep. Zaldy Co na para sa Punong Ehekutibo ang kickbacks. | via Ghazi Sarip, D8TV News
