Isiniwalat ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na ang Chinese Embassy sa Maynila ay umano’y nangontrata ng isang PR firm sa Makati, ang InfinitUs Marketing Solutions Inc., para magpatakbo ng troll farm na siraan ang gobyerno ng Pilipinas at mga personalidad na kritikal sa China.
Sa pagdinig ng Senado noong Huwebes, ipinakita ni Tolentino ang isang “service agreement” na nilagdaan noong August 2023, kung saan nakasaad ang paglalaan ng “keyboard warriors” bilang bahagi ng “issue management project” na pinondohan ng embahada ng China.
Ayon sa National Security Council (NSC), bahagi ito ng mas malawak na kampanya ng China para makialam sa midterm elections ng Pilipinas sa May 2025, kabilang ang pagpapalaganap ng disimpormasyon at pagsuporta sa mga kandidatong pro-China.
Binanggit din ni Tolentino na ang mga “keyboard warriors” ay malamang na mga Pilipino, na nagpapakita ng paggamit ng lokal na manpower para sa dayuhang propaganda. Nanawagan ang mga mambabatas ng agarang imbestigasyon at pagpapatibay ng mga batas laban sa dayuhang panghihimasok sa eleksyon at digital na disimpormasyon. | via Dann Miranda | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV