Key figure na si Virgilio Garcillano sa ‘Hello Garci’ scandal, pumanaw sa edad na 87PHOTO: AFP / Joel Nito

Pumanaw na si dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano, kilalang personalidad sa kontrobersyal na “Hello Garci” scandal, noong Marso 29 sa kanyang tahanan sa Baungon, Bukidnon. Siya ay 87 taong gulang.
Naging usap-usapan si Garcillano noong 2005 matapos lumabas ang umano’y wiretapped na pag-uusap nila ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo tungkol sa 2004 eleksyon. Sa “Hello Garci” tapes, pinaghihinalaang may pag-uusap sila ukol sa manipulasyon ng boto.
Aminado si Arroyo na nakipag-usap siya sa isang Comelec official pero itinanggi niyang may dayaan. Ganito rin ang depensa ni Garcillano, na sinabing naganap ang tawag matapos na ang bilangan ng boto.
Matapos ang eskandalo, nawala na sa mata ng publiko si Garcillano. Sinubukan niyang tumakbo bilang kongresista sa Bukidnon noong 2007 ngunit natalo. Sa kanyang huling mga taon, nagtuon siya sa pagsasaka at gawaing pangkomunidad. | via Lorencris Siarez | Photo via AFP / Joel Nito

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *