Sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI), si Albuera, Leyte Mayor Kerwin Espinosa.
Ito’y matapos humarap ni Espinosa sa Regional Trial Court Branch 14 sa Cebu City, ngayong araw, Feb. 5.
Nahaharap si Espinosa, kasama ang dalawang iba pa, sa kasong murder.
Matapos isilbi ang warrant of arrest, nilinaw ng korte na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng alkalde at ng kanyang mga kapwa akusado. | via Judea Bernardo
