Kauna-unahang solar-powered public school, binuksan sa Central Luzon

Pinasinayaan noong Huwebes ang kauna-unahang solar-powered at fully airconditioned na public school sa Central Luzon!
Ang Belen Homesite Elementary School sa Barangay Sto. Cristo ay may pito nang bagong silid-aralan na may aircon, kaya’t mas komportable ang 189 mag-aaral dito.
Ayon kay Mayor Carmelo Lazatin Jr., ang 32 kVA solar panels ng paaralan ay patunay na kayang patakbuhin ang edukasyon gamit ang malinis na enerhiya. “Walang fossil fuel, walang mataas na bayarin sa kuryente, at may malasakit sa kalikasan!” ani Lazatin.
Naglaan ang lungsod ng P3 milyon para sa pagsasaayos ng paaralan, at plano ring lagyan ng solar panels ang lahat ng tanggapan ng gobyerno sa Angeles City! | via Lorencris Siarez | Photo via Angeles City information Office

One thought on “Kauna-unahang solar-powered public school, binuksan sa Central Luzon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *