Kauna-unahang Philippine Tourism Awards, ipinagdiwang ng DOT

Ipinagdiwang ng Department of Tourism (DOT) ang kauna-unahang Philippine Tourism Awards, isang pagkilala sa mga indibidwal at kumpanyang nag-angat ng turismo at nagpakilala ng tunay na “Filipino hospitality” sa buong mundo.

Sa kabila ng mga pagsubok sa turismo mula pa noong pandemya, malaking usapin na kung paano mapapanatili ang kalidad at pagiging kakaiba ng Pilipinas bilang tourist destination.

Sa awarding ceremony, 17 negosyo at 30 indibidwal ang pinarangalan kabilang na ang Philippine Airlines, The Manila Hotel, at University of the Philippines Asian Institute of Tourism.

Mayroon ding parangal para sa best eco-tourism, farm tourism, faith-based at cultural destinations.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, ang mga awardees ang patunay na likas sa Pilipino ang pagiging malikhain, magiliw, at may malasakit, tatak na tunay na maipagmamalaki sa mundo.

Sa pagkilalang ito, umaasa ang DOT na mas lalo mapapalakas ang turismo, hindi lamang para sa ekonomiya, kundi bilang pagpapakita ng mayabong na kultura at ganda ng Pilipinas. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *