Kauna-unahang Breast Cancer Surgery, matagumpay na isinagawa sa OFW Hospital

Matagumpay na naisagawa ng OFW Hospital sa San Fernando, Pampanga ang kauna-unahang Modified Radical Mastectomy (MRM) at itinuturing ito ng Department of Migrant Workers bilang isang malaking hakbang sa laban ng bansa kontra breast cancer.

Ang pasyente ay isang 39-year-old na babae at dating OFW na nagulat na nakaramdam umano ng bukol sa kanyang kaliwang dibdib. Agad siyang nagpakonsulta at nakumpirma na siya ay may Stage 2B breast cancer. Dito na inirekomenda ng mga doktor ang MRM bilang pinakamainam na hakbang sa kanyang paggamot.

Ang Modified Radical Mastectomy ay isang operasyon kung saan tinatanggal ang buong dibdib, kasama ang balat, areola, at nipple, pati na rin ang karamihan ng lymph nodes sa kilikili habang nananatiling buo ang kalamnan ng dibdib.

Ang operasyon ay pinangunahan ni Dr. Krisha Mae F. Salazar, Head of Surgery ng OFW Hospital, katuwang si OR Nurse Jesusa G. Santiago, at Anesthesiologist Dr. Analyn Adlawan.

Naging maayos at matagumpay ang operasyon at ngayon ay nasa mabuting kalagayan na ang pasyente. | via Kai Diamante

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *