Kaso ng Mpox sa bansa tinututukan ng DOH

Naitala ng Iloilo City at Iloilo Province ang tig-isang kumpirmadong kaso ng Mpox, ayon sa mga lokal health office. Ang mga pasyente ay walang travel history, kaya’t patuloy ang imbestigasyon kung may lokal na transmisyon. Apat pang hinihinalang kaso ang kasalukuyang mino-monitor sa lungsod.

Sa Zamboanga Sibugay, isang tatlong taong gulang na batang babae mula sa Tungawan ang unang naitalang kaso ng Mpox sa lalawigan. Matapos ang 21-araw ng quarantine ay gumaling din ang bata, wala namang nakitang sintomas sa mga magulang ng bata. Dahil sa pagtaas ng mga kaso sa ibang rehiyon, ang Department of Health-Central Visayas (DOH-7) ay nagpapatibay ng mga regional protocol para mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Pinaalalahanan ng mga eksperto ang publiko na ang Mpox ay naipapasa sa pamamagitan ng direktang skin-to-skin contact. Ang mga sintomas ay kinabibilangan ng lagnat, pantal, at pamamaga ng kulani.

Bagaman self-limiting ang sakit, mahalaga ang maagang pagpapa-konsulta sa doktor at pagsunod sa tamang hygiene practices tulad ng regular na paghuhugas ng kamay at pag-iwas sa matataong lugar. | via Dann Miranda | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *