Kaso ng leptospirosis sa bansa, bumaba

Bumaba ang bilang ng kaso ng leptospirosis nitong nakaraang linggo, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon sa datos ng DOH, mula Agosto 10 hanggang 14 ay nakapagtala na lamang ng 10 kaso kada araw kumpara sa halos 200 kada araw noong unang linggo ng Agosto.

Sa kabuuan, mayroong 3,752 kaso ng nasabing sakit ang naitala mula pa noong Hunyo 8, bunsod ito ng pagtama sa bansa ng sunud-sunod na bagyo at habagat.

Samantala, siniguro naman ng DOH na magiging operational pa rin ang kanilang 49 leptospirosis fast lanes sa buong bansa. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *