KANLAON NAGWALA NA NAMAN!

Makapal na abo, muling ibinuga ngayong tanghali!

Nagpasiklab na naman ang Bulkang Kanlaon matapos itong magbuga ng makapal na abo kaninang 11:52 ng umaga! Ayon sa PHIVOLCS, umabot sa 800 metro ang taas ng abo na itinapon ng bulkan sa himpapawid!

Dahil dito, banta na naman ang ashfall sa mga bayan ng La Carlota, Bago, at iba pang kalapit na lugar sa Negros Occidental!

Matatandaang kaka-erupt lang din nito kamakailan—kung saan may naitalang toxic ashfall at mga sulfurous fumes sa ilang bahagi ng rehiyon.

NANANATILI SA ALERT LEVEL 3 ang bulkan, kaya hindi pa ligtas! Bantay-sarado pa rin ang PHIVOLCS sa galaw nito! | via Dee Zand’te | Photo and Video via PHILVOCS-DOST Facebook Page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *