Maagang nagtapos ang kampanya ni Filipina tennis star Alex Eala sa Australian Open matapos itong kapusin sa kanyang laban kontra kay Alycia Parks ng United States.
Nakuha ni Eala ang unang set sa score na 6-love, pero bumawi ang Amerikana 6-3, 6-2, sa kasunod na dalawang laro.
Nagsilbing main draw debut ng 20-anyos na si Eala ang Australian Open ngayong taon.
Si Eala ay dati nang nakasali sa French Open at Wimbledon noong 2025, matapos manalo sa qualifying stage, pero bigo siyang nakapasok noon sa 2nd round.
Naitala ni Eala ang kanyang unang panalo sa Grand Slam sa US Open noong 2025 matapos talunin si Clara Tauson ng Denmark.
Samantala, ang world number 99 na si Parks ay aabante sa susunod na round at haharap sa mananalo sa pagitan nina Karolina Muchova at Jaqueline Cristian. | via Judea Bernardo
