Kampanya laban sa Fake News mas pinatindi

Mariing binigyang-diin ng National Bureau of Investigation (NBI) na seryoso ang gobyerno sa pagtugon sa paglaganap ng fake news, lalo na sa social media. Kamakailan, nagsampa ang NBI ng mga kaso laban sa ilang vloggers, kabilang ang ilang Overseas Filipino Workers (OFWs), na umano’y nagpakalat ng maling impormasyon na maaaring magdulot ng kaguluhan at takot sa publiko.

Ayon sa NBI, ang mga kasong ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng gobyerno para labanan ang disimpormasyon na maaaring makasira sa reputasyon ng mga institusyon at magdulot ng hindi pagkakaunawaan sa lipunan.

Hinimok ng ahensya ang publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong nakikita online at iwasan ang pagpapakalat ng hindi beripikadong balita. Binigyang-diin din ng NBI na patuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa iba pang ahensya ng gobyerno upang mapanatili ang integridad ng impormasyon sa bansa at maprotektahan ang publiko laban sa mga mapanlinlang na balita. | via Dann Miranda | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *