Kampanya kontra HIV, pinasimulan ng PAGCOR

Inilunsad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) katuwang ang Healthway Qualimed Hospital (HQH) ang National HIV Awareness Campaign bunga ng patuloy na pagdami ng kaso ng HIV.

Binigyang diin sa nasabing kampanya na ginanap nitong Martes, July 1, sa PAGCOR Corporate Office, Pasay City, ang kahalagahan ng tamang kaalaman sa HIV at kung ano ang paraan upang hindi kumalat ang sakit.

Ayon pa kay PAGCOR President at COO Atty. Wilma Eisma, walang puwang ang pagiging walang bahala sa usaping HIV.

Sa kasalukuyan, mahigit 5,000 bagong kaso na ng HIV ang naitatala ng Department of Health mula Enero hanggang Marso. | via Florence Alfonso | Photo via PAGCOR

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *