Kamara, handang makipagtulugan sa ICI flood control probe

Nanindigan si House Speaker Bojie Dy na handang makipagtulungan ang Kamara kaugnay ng imbestigasyon nito sa flood control scam na umano’y kinasasangkutan ng ilang kongresista.

Ayon kay Dy, nananatiling nakatuon ang Kamara sa tungkulin nitong maglingkod sa bayan at giniit na kasama rito ang pananagutan.

Kasunod ito ng pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na 10% sa mahigit 300 miyembro ng House of Representatives ay sumasailalim sa imbestigasyon kaugnay sa isyu ng flood control.

Sa isang panayam, sinabi naman ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong na suportado ng Kamara ang ICI sa kanilang imbestigasyon.

Giit ng kongresista, malinaw ang paninindigan ng Kamara na dapat dumaan sa legal na proseso ang lahat ng reklamo at mabigyan ng due process ang sinumang inaakusahan.

Hindi umano maapektuhan ang trabaho sa Kamara sa kabila ng isinagawang imbestigasyon. At patuloy pa rin daw ang trabaho sa ilalim ng kasalukuyang liderato ng Kamara sa kabila ng mga usap-usapang pagpapalit kay Dy bilang Speaker. | via Andrea Matias

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *