Kalibre’t Bala: Presensya ng mabibigat na armas ng MILF sa BARMM, kinuwestyon

Kinumpirma sa mga ulat ang umano’y presensya ng matataas na kalibre ng baril at malaking bilang ng bala sa ilang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kahit pa dapat ay isinusuko na ang mga ito ayon sa peace process.


Tila may butas sa decommissioning process na pinangangasiwaan ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) sa ilalim ni Sec. Carlito Galvez Jr., na ngayon ay iniimbestigahan dahil may mga lumalabas na larawan at video ng mga di pa naisusukong armas.


Bahagi ito ng usaping kapayapaan sa rehiyon lalo’t papalapit na ang unang parliamentary election sa BARMM.

May pangamba na magamit ang mga armas sa pulitika.


Hinihikayat ng mga civic groups at security analysts ang OPAPRU at AFP na magsagawa ng agarang imbestigasyon. Humihingi rin ng paliwanag ang publiko sa OPAPRU, Sec. Galvez, at SAP Anton Lagdameo tungkol sa pondong inilaan para sa decommissioning.


Inaasahan ang opisyal na pahayag mula sa OPAPRU, AFP, at BARMM leadership upang mapanatili ang tiwala sa peace process at seguridad ng rehiyon. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *