Sa kabila ng ilang karahasan, idineklara ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na “maayos at kontrolado” ang seguridad noong May 12 midterm elections.
Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, mabilis at organisado ang tugon ng militar sa mga banta, kaya’t hindi ito lumala. May mga insidente ng pamamaril sa Bayang, Lanao del Sur (2 patay), Silay City, Negros Occidental (2 patay, 7 sugatan), Bangued, Abra (1 sugatan), at New Corella, Davao del Norte (2 kritikal).
Hindi rin nagpahuli ang militar—nagresponde agad sa indiscriminate firing sa Lanao del Sur at nahuli ang mga armadong lalaki sa Zamboanga Sibugay at Lanao del Sur. Kumpiskado ang mga baril, bala, radyo, sasakyan, at iba pa!
Kabuuang 9,475 sundalo ang ipinakalat ng AFP para tumulong sa 829 checkpoint operations kasama ang PNP at Comelec. Sa buong bansa, 31,329 personnel ang nagbantay sa 44,754 polling places. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA/Yancy Lim
#D8TVNews #D8TV