Pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang mga kapulisan sa kanilang gampanin sa darating na halalan.
Sabi ni Chief Gen. Marbil, hinihimok niya ang bawat isa sa PNP na panatilihin ang pinakamataas na antas ng propesyonalismo, integridad at manatiling nakatutok ang kapulisan sa papapanatili ng proteksyon sa mga kababayan na boboto.
Dagdag pa niya, sa araw ng eleksyon May 12, kinakailangan maging apolitical ang mga kapulisan para maipakita sa mga kakabayan natin na walang kinikilingan ang kapulisan at dapat silang asahan.
Ayon naman sa ahensya, malapit na matapos ang kanilang deployment ng logistics, transportation, communication at iba pang mahahalagang kagamitan na makakatulong sa Commission on Elections (COMELEC) at mga katuwang nitong ahensya para sa darating na eleksyon.
Ang Highway Patrol Group (HPG) ay nagdeploy ng mahigit sa 716 na tauhan ngayong eleksyon para mapanatili ang kapanatagan ng mga mamamayan. Ayon naman kay PNP-HPG spokesperson Lt. Dame Malang, tutulong ang HPG sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan sa mga lugar ng pagbobotohan. | via Dee Miranda | Photo via PNP
#D8TVNews #D8TV