TIGNAN |
BATANGAS – Isang kahon na naglalaman ng mga bala ang natagpuan sa lamesa ng sekretarya ni Vice Mayor Jay Manalo Ilagan sa Mataasnakahoy, Batangas noong Lunes, Marso 24.
Matapos makita ang kahina-hinalang kahon, agad itong ipinagbigay-alam ng staff at ni Vice Mayor Ilagan sa mga awtoridad. Agad namang rumesponde ang Explosive Ordnance Division (EOD) ng Batangas upang siyasatin ang laman nito.
Ayon sa EOD, negatibo sa pampasabog ang naturang kahon at tanging mga bala lamang ang natagpuan sa loob nito. Dahil dito, agad itong iniulat ni Vice Mayor Ilagan sa hepe ng pulisya upang maimbestigahan kung anong uri ng mga bala ang laman ng kahon at kung sino ang maaaring may kagagawan nito.
Itianggi naman ito ng bise-alkalde at sinabing hindi sa kanila ang mga balang nadiskubre.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Mataasnakahoy Police upang matukoy ang pinagmulan ng kahon at ang posibleng motibo sa insidente. | Jun De Guzman, contributor