Tatlong Pilipina ang nabigyan ng pagkilala at parangal ng Department of Migrant Workers sa isinagawang “LIKHAng Kababaihan 2025: Linangin ang Kakayahan sa Kabuhayan,” June 25, dahil sa kanilang pagkamalikhain at inobasyon sa larangan ng pangkabuhayan.


Kinilala si Sweet Rose Montepio ng Davao Region bilang grand winner ng nasabing kompetisyon ngayong taon na kung saan siya ay nakatanggap ng cash prize na nagkakahalaga ng ₱500,000.
Nagtrabaho bilang domestic worker si Montepio sa Saudi Arabia at United Arab Emirates at doon, siya ay nakapagtayo ng negosyong eco-friendly plastic strap bag.
Pinangalawahan at pinangatluhan naman siya nina Maria Carmelita Agbalog mula sa Northern Mindanao at Rowena Cerodo ng SOCCSKSARGEN dahil sa kanilang agrikultural at ekonomikal na mga negosyo.
Nakatanggap si Agbalog ng ₱300,000 at ₱200,000 naman kay Cerodo.
Binigyang puri din ni DMW OIC at Undersecretary Felicitas Q. Bay ang iba pang OFW. Aniya, hindi lamang trabahador ang mga overseas Filipino worker, may kakayahan din silang lumikha.
“Ang kompetisyong ito ay pahayag na ang ating mga OFW ay hindi lamang ordinaryong manggagawa o mamamayan, subalit mga tagapaglikha at visionary leaders,” ani Bay. | via Florence Alfonso | Photo via DMW
#D8TVNews #D8TV